PatrolPH

2 lalaking dumalo sa piyesta, natagpuang patay sa dagat sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2022 07:22 PM

Nalambat ng isang mangingisda ang isang bangkay ng tao sa karagatan ng Catbalogan City, Samar nitong Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang bangkay na si Danny Cabanganan.

Nitong ng Huwebes naman ng umaga, nakita naman na palutang-lutang sa karagatan din sa Catbalogan City ang bangkay ng kasama ni Cabanganan na si Noli Violen.

Si Cabangangan at Violin ay parehong residente ng Sitio Madalunot, Barangay Pangdan sa Catbalogan CITY.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ang mga biktima ay pumunta sa Barangay Darahuway Dako para dumalo sa kapistahan nitong Martes.

Ilang residente din ang nakakita na sakay ang mga ito sa bangka ngunit hindi na nakauwi ang mga ito sa kanilang mga bahay.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa pagkamatay ng dalawang lalaki.

- ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.