Iba pang ahensya pinuna ng COA sa 'kaduda-dudang' paggasta | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Iba pang ahensya pinuna ng COA sa 'kaduda-dudang' paggasta

ABS-CBN News
Published Aug 18, 2021 09:21 PM PHT

MAYNILA — Patuloy pa rin ang paglalabas ng Commission on Audit (COA) ng audit reports sa gitna ng pandemya at batikos mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa mga nasita ng COA ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa anila'y overpriced na sanitary napkins na nabili sa isang construction and trading company.

"The procured sanitary napkins (P10, P20, P30) per pad is very costly, the napkins can be bought in small sari-sari stores at P5 to P8 per pad only," sabi ng COA sa report.

Ang mga sanitary napkin ay kasama ng hygiene kits at thermal scanners na binili dahil sa pandemya mula sa isang construction and trading business sa Pasay City, ayon sa COA report.

Pero pagtataka ng ahensya, hindi daw nakita ng auditors ang tindahang ito batay sa address sa resibong binigay ng OWWA.

Isa rin sa natuklasan ng COA ang biniling mga pangmeryenda ng OWWA na nagkakahalaga ng P300,000 mula sa isang caterer sa Quezon City, gayong may mga mabibilhan namang mga supermarket sa Pasay City kung nasaan ang ahensya.

Hindi rin pinalampas ng COA ang pagsita sa iba pang ahensya, tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sa paglipat ng P160 milyon pondo papuntang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sabi ng COA, "highly questionable" o kaduda-duda ito dahil sa kakulangan ng "proper authority/legal basis."

Depensa naman ng TESDA, ang paglalaan nila ng pondo sa NTF-ELCAC ay base sa EO 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Depensa naman ng TESDA, ang paglalaan nila ng pondo sa NTF-ELCAC ay base sa EO 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
ADVERTISEMENT
Pinanindigan ni COA chairperson Michael Aguinaldo na wala silang motibong siraan ang mga ahensya ng gobyerno, at mandato lang nila sa Saligang Batas ang kanilang ginagawa.

"We have a constitutional mandate. We have to comply with that. I do have a force of about 9,000 people in COA who are very dedicated, very professional and committed to do the work that they do. We would like to assure the public, there is no concerted efforts or whatsoever," aniya.

Idiniin din ni Aguinaldo na ang audit reports ay nasa website nila dahil mandato rin ito ng batas.

—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
COA
Commission on Audit
audit
flagging
COA mandate
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT