Karamihan sa nagkaka-severe, critical COVID-19 ay 'di pa bakunado: datos | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karamihan sa nagkaka-severe, critical COVID-19 ay 'di pa bakunado: datos

ABS-CBN News
Published Aug 18, 2021 07:16 PM PHT

Isang COVID-19 survivor si Kevin Janabon, na ipinasok sa Manila COVID-19 field hospital nang tamaan siya ng sakit ilang linggo na ang nakalilipas.

Mild symptoms lang umano ang naranasan niya kaya laking pasasalamat niyang naka-1 dose na siya ng bakuna higit 2 linggo bago siya tamaan ng sakit.

"From time to time, nagko-clog din 'yong ilong ko. Other than that, wala naman na talaga. I’m really thankful nga na na-first dose din ako ng vaccine. At least, hindi na ganoon ka-severe," ani Janabon.

Isa lang si Janabon sa mga nagkaroon ng COVID-19 kahit naka-1 o nakakumpleto na ng 2 dose ng bakuna.

ADVERTISEMENT
Pero ayon sa datos na nakalap at nasuri ng ABS-CBN Investigative and Research Group, karamihan sa mga nagkakaroon ng severe at kritikal na COVID-19 ay mga hindi pa nababakunahan.

Sa datos mula Lung Center of the Philippines, sa 146 pasyenteng na-admit hanggang nitong Agosto 16, ang hindi pa nababakunahan ay 108.

Ibig sabihin, karamihan o 7 sa bawat 10 COVID-19 patients doon ang wala pang bakuna.

Sampung porsiyento naman ang naka-1 dose na o partially vaccinated, at 16 porsiyento ang fully vaccinated.

Sa pagsisiyasat rin sa parehong datos ng epidemiologist na si Dr. John Wong, lumalabas na may proteksiyon na ibinibigay ang bakuna kahit nakaka-1 dose pa lang.

"The difference is small because they are only partially vaccinated so they only have partial immunity. Pero the vaccine is still effective kasi there is a decrease in severe disease," ani Wong.

"But of course, it is better to be fully vaccinated kasi your protection against severe disease goes up to 86 percent," aniya.

Walang naitalang mild cases ang Lung Center dahil moderate hanggang critical cases lang ang tinatanggap nila.

Sa datos naman ng Tala Hospital sa Caloocan noong Agosto 6 hanggang 10, sa 140 COVID-19 patients, 31 ang fully vaccinated.

Sa mga bakunado, 3 ang nakaranas ng mild symtpoms, 25 ang moderate, 2 ang severe at 1 ang critical.
Sa mga bakunado, 3 ang nakaranas ng mild symtpoms, 25 ang moderate, 2 ang severe at 1 ang critical.
ADVERTISEMENT
Sa 31, ang na-admit at nagpapagaling ay 29, habang 2 ang namatay.

Ayon kay Tala Hospital Chief Dr. Fritz Famaran, ang mga namamatay kahit may bakuna ay karaniwang may ibang sakit.

"More often than not, may kasama 'yan commorbids like high blood, na-stroke and diabetes. These are contributory factors for the demise of the patient... not necessarily coming per se from the COVID-19 infection only," ani Famaran.

Hindi rin nalalayo ang mga datos mula Lung Center at Tala sa nakalap ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Kaya tingin ni NTF special adviser Dr. Ted Herbosa, maituturing na "pandemic of the unvaccinated" ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

"Kinakausap ko 'yong mga director ng ospital, parang 80 percent ng mga naku-confine ngayon ay unvaccinated... at iyong mayroong remainder, about 10 to 15 percent, 1 dose pa lang ang natanggap," ani Herbosa.

Mahalaga pa rin umanong makumpleto ang 2 dose para matiyak na may sapat na kakayahan ang katawan para malabanan ang sakit.

— Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid19
bakuna
Lung Center of the Philippines
Tala Hospital
NTF Against Covid19
unvaccinated
TV Patrol
Zandro Ochona
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT