Mga deboto 'di natinag sa lindol, tuloy sa pagdarasal sa simbahan sa Iloilo

Bea Zaragosa, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2020 09:56 AM

 

Hindi natinag ang mga taong nagsisimba sa loob ng simbahan ng Sta. Monica Parish sa Oton, Iloilo, matapos na maramdaman ang lindol, Martes ng umaga.

Nagsasagawa ng unang araw ng Novenario ang mga parishioners nang nakaramdam ng pagyanig. 

Kita rin ang paggalaw ng chandelier sa loob ng simbahan. 

Pero imbes na tumigil, nagpatuloy ang mga tao sa pagdarasal.