3 arestado sa umano'y pagbebenta ng mga pekeng luxury bag | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 arestado sa umano'y pagbebenta ng mga pekeng luxury bag

3 arestado sa umano'y pagbebenta ng mga pekeng luxury bag

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Arestado ang tatlong suspek sa isang entrapment operation sa Fairview, Quezon City nitong Lunes dahil sa pagbebenta umano ng mga pekeng luxury bag.

Isinumbong ng biktimang si "Cecille", ang mga suspek na nagbebenta umano ng pekeng bag sa Facebook Marketplace.

Kwento ng biktima, "100 percent original" ang sinabi ng seller sa bag na binili niya sa halagang P30,000.

Napansin si Cecille na peke ang bag dahil sa mga tahi nito, kaya nagsumbong siya sa pulisya na agad nagsagawa ng entrapment operation.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang kasuhan ng estafa ang mga nahuli, na nakakulong na sa Fairview Police Station.

Ayon sa isang suspek, alam naman ng mga binebentahan na peke ang bag dahil galing itong Divisoria.

Itinanggi ito ng biktima dahil kinumbinsi umano siyang authentic ang bag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.