Suplay ng Tocilizumab sa ilang ospital nagkakaubusan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suplay ng Tocilizumab sa ilang ospital nagkakaubusan na

ABS-CBN News
Published Aug 17, 2021 05:11 PM PHT
|
Updated Aug 17, 2021 07:58 PM PHT

MAYNILA - Noong Agosto 13, humagulgol si alyas "Chat" habang kinukuwento ang problema kung saan kukuha ng pambili ng 2 vial ng Tocilizumab, isa sa mga gamot na kailangan ng kaniyang kapatid na tinamaan ng COVID-19.

Sinagot naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang gamot na nagkakahalaga ng P40,000 kada vial. Ang Tocilizumab ay isang gamot na pangunahing gamit laban sa rheumatoid arthritis at ginagamit na rin sa COVID-19 treatment.

Umabot naman sa halos P50,000 ang ipinadalang tulong ng viewers ng programang SRO sa Teleradyo.

Pero pagdating ng Agosto 14, nagpositibo rin sa COVID-19 ang anak ng kaniyang kapatid, ina nilang 80 anyos, at isa pang 53 anyos na kapatid.

Mild lang ang nanay at anak pero ang isang kapatid, kailangan muli ng Tocilizumab dahil wala na raw suplay ang Quezon City General Hospital. Aligaga ang pamilya lalo na kung lumala rin ang kondisyon ng kaniyang ina at pamangkin.

"Mahirap po, sabay-sabay po ang depression, anxiety, di na po namin alam ang gagawin," ani "Chat."

Namatay naman ang 74 anyos na ina ni Ryan Nisperos kahit naturukan ng Tocilizumab na pilit na hinanap ng pamilya.

"Naibigay naman 'yung isa, naka-reserve pa kami ng isa pa kaya lang di na umabot ang pangalawa kasi bumigay na rin si mama... Maigsi lang ang buhay sir kailangang mahal sa buhay anuhin na kaagad," paiyak na sinabi ni Nisperos.

Hindi lang ang QC General Hospital ang may problema sa Tocilizumab. Pati ang ilang pribadong ospital, wala nang suplay ng gamot na ibinibigay sa severe at critical COVID-19 patients.

Nag-order na ang ilang private hospitals pero wala pang dumarating na suplay kaya ang nangyayari, pamilya ng pasyente ang naghahanap ng Tocilizumab.

"We issue na lang reseta, it's going to be them who will look kung sino may available, you may go to that hospital, pagka walang mai-supply, sasabihin namin talaga," ani Private Hospitals of the Philippines Association Inc. President Jose De Grano.

Anti-inflammatory drug ang Tocilizumab na nasa P14,000 hanggang P28,000 ang maximum retail price, pero umaabot ng P30,000 hanggang P40,000 ang bentahan.

Tiniyak ng Department of Health na may sapat na suplay ang mga government hospital at puwede itong ipahiram muna sa mga walang suplay.

"We did that during the March and April increase in cases, 'yung mga gamot sila po ay nagpapasahan, kung sino meron tatawag sa network at nakapagbibigay naman agad agad, meron tayong network na ganyan," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ngayong linggo naman inasahang darating ang in-order na suplay ng Tocilizumab ng Quezon City LGU.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT