Mga programa ni Gina Lopez muling inalala | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga programa ni Gina Lopez muling inalala

ABS-CBN News
Published Aug 17, 2020 08:08 PM PHT

Buhay na buhay pa rin ang alaala ng environmentalist at philanthropist na si Gina Lopez sa mga taong binigyan niya ng malasakit.

"Madalas kami magbiyahe dati. Ang dami naming nakikilalang tao, ang dami naming ginagawa, ang saya-saya talaga kapag kasama si Gina," anang kapatid ni Gina na si Ernie Lopez.

"Mayaman ka o mahirap parehas pa rin ang trato niya sa'yo," dagdag niya.

"Dahil kay Gina, nakabisita ako ng maraming 'di kilalang lugar dito sa Pilipinas... marami akong nakilalang tao na magpakailanman hahawakin ko iyong mga kuwento nila at mga mukha nila sa puso ko," sabi naman ng kapatid na si Roberta Lopez-Feliciano.

ADVERTISEMENT
"She’s now somebody that will live in the hearts and minds of people. And become an institution that will drive Filipinos for decades to come," anang kapatid na si Eugenio "Gabby" Lopez III, chairman emeritus ng ABS-CBN.

Pumanaw si Gina noong nakaraang taon sa edad na 65 dahil sa brain cancer.

Malaking bahagi ng buhay ni Gina ang inilaan sa serbisyo sa kapuwa at mga komunidad.

Naging tagapagtaguyod din siya ng karapatang pambata at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng Bantay Kalikasan.

"Her bigness cannot be described by a few words," ani Bantay Kalikasan program director Jen Santos.

Hanggang ngayon, ang pagbabagong iniwan ni Gina ay patuloy na inaalagaan ng mga katutubong Mangyan sa Bantay Kalikasan site sa Victoria, Oriental Mindoro.

"Siya 'yong nagbigay ng liwanag. Na-involve sila sa iba't ibang mga ilegal na gawain. Si Ma'am [Gina Lopez] mismo 'yong nagsabi sa kanila na may pag-asa, na puwedeng gumawa nang tama at kumikita," ani Ellaine Deomampo, kinatawan mula sa Bantay Kalikasan.

Hinatiran din ng tulong ng Pantawid ng Pag-ibig ang mga Mangyan na nasa Bantay Kalikasan site ngayong panahon ng pandemya.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Gina Lopez
ABS-CBN Foundation
Bantay Kalikasan
Victoria
Oriental Mindoro
Pantawid ng Pag-ibig
public service
coronavirus public service
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT