PANOORIN: Buhawi nanalasa sa Badiangan, Iloilo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Buhawi nanalasa sa Badiangan, Iloilo

PANOORIN: Buhawi nanalasa sa Badiangan, Iloilo

Ulat ni Rolen Escaniel

 | 

Updated Aug 16, 2023 09:13 AM PHT

Clipboard

Photos courtesy of MDRRMO Badiangan
Photos courtesy of MDRRMO Badiangan

Tatlumpu't-tatlong bahay ang naitalang napinsala matapos manalasa ang isang buhawi sa bayan ng Badiangan, Iloilo, nitong Sabado, August 12, 2023.

Sa video na kuha ni Abordaje Espada Morito noong Sabado ng hapon sa Barangay Odiongan, Badiangan, makikita ang malakas na hangin na may dala na malakas na ulan.

Makikita rin sa video na tila sumasayaw at halos mabuwal na ang mga puno ng kawayan habang binabayo ng malakas na hangin.

Ayon sa MDRRMO Badiangan, 33 na bahay ang napinsala sa 5 barangay.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga naapektuhan sa pananalasa ng buhawi ay ang isang multi-purpose hall at nasa 11 ektarya ng mga pananim, dagdag ng MDRRMO Badiangan.

Nagbigay na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Badiangan, Iloilo, sa mga apektadong pamilya.

Ang pagbuhos ng malakas na ulan at malakas na hangin ay dala ng localized thunderstorm, ayon sa PAGASA Iloilo.

Video ni Abordaje Espada Morito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.