COA: LTFRB di ginamit ang perang pang-ayuda sana sa mga tsuper | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COA: LTFRB di ginamit ang perang pang-ayuda sana sa mga tsuper

COA: LTFRB di ginamit ang perang pang-ayuda sana sa mga tsuper

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Umaapela ng ayuda ang mga drayber ng taxi at UV Express sa Rizal na bumibiyahe pa-Metro Manila dahil hindi daw sila isinama sa mga tatanggap ng cash aid ngayong may lockdown.

Lugi na nga sa pasada, wala pang ayuda, hinaing ng taxi driver na si Eduardo Cruz.

"Ako naiiyak ako dahil sa kuwan ng gobyerno… Napakasakit po. Napakasakit po kapag naisantabi po kami. Wala po talaga kaming magawa," hinaing niya.

Ganito rin ang sitwasyon ni Ronald Agan. Mag-iisang buwan na siyang hindi bumibiyahe ng UV Express mula Antipolo pa-Ayala kaya naghahanap muna siya ng trabaho bilang construction worker.

ADVERTISEMENT

"Talagang wala po. Mahirap na mahirap. Sa isang araw, minsan gugulay-gulay na lang," ani Agan.

Ang panawagan lang nila, sana’y isama rin sila sa mga tatanggap ng ayuda.

Ang grupo ng mga operator at driver, nakikiusap na sa gobyerno na pansinin rin ang mga miyembro nilang nasa labas ng Metro Manila dahil direktang apektado rin daw sila ng ECQ.

Ang tugon naman ng transport officials, service contracting, kung saan maaari silang magsakay ng mga frontliner at babayaran sila ng gobyerno.

Pero maging ang mga nasa NCR, wala rin silang nakukuha mula sa gobyerno.

ADVERTISEMENT

Sa gitna ng pamamalimos ng marami pa ring tsuper at pagpasok nila sa sari-saring hanapbuhay para kumita, may obserbasyon naman ang Commission on Audit (COA).

Nitong nakaraang linggo, kinuwestiyon ng COA sa 2020 report nito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nang makitang isang porsiyento lang ng P5.58 bilyong pondo na nakalaan para sa mga driver ang naipamahagi.

"Delays in the implementation of the service contracting program ranging from two to 10 weeks as at December 31, 2020 resulted in the minimal fund utilization of only P59,720,089 or 1.07 percent of the total project fund," ayon sa COA.

Ayon sa grupong Piston, dapat managot ang LTFRB dito.

"Dapat panagutin ang LTFRB sa malaking responsibilidad nito sa pagpapabaya at sa kagyat na pagpapaabot ng ayuda sa mga driver at maliliit na operator," anila sa isang pahayag.

ADVERTISEMENT

Hinala pa ng Piston, sinadya siguro ng LTFRB na hindi bigyan ng ayuda ang mga tsuper para maisulong ang modernisasyon ng mga jeep, na matagal na nitong isinusulong.

"Hindi kataka-taka kung sinadya ng LTFRB ang ganitong pagkakait ng ayuda, dahil sa programa nitong i-phaseout ang mga jeepney... Ginamit nga ng gobyerno ang pandemya para i-phaseout ang mga jeepney at UV Express. Kung hindi pa nag-ingay at lumaban ang mga driver at mamamayan, hindi makakabalik-pasada ang kahit kalahati man lamang ng mga jeepney sa panahon ng pandemya," anila.

—Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.