Mga 'kamote rider' sanhi ng aksidente: grupo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga 'kamote rider' sanhi ng aksidente: grupo

Mga 'kamote rider' sanhi ng aksidente: grupo

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 16, 2019 12:43 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang insidente ng banggaan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo, batay sa tala ng grupong Motorcycle Federation of the Philippines.

Itinuturo ito ng grupo sa "pangangamote" o kawalan ng alam ng mga riders sa mga batas-trapiko.

"Karamihan ng mga nagmomotor talaga hindi nila alam 'yung road signs, speed limit, road marking, tapos 'yung ilang batas tungkol sa pagmomotor,” ani Atoy Sta. Cruz, pangulo ng riders' group.

Batay sa kanilang datos, aabot na sa 15,513 ang naitalang aksidente magmula Enero 2019, kung saan 122 ang nakamamatay na aksidente.

ADVERTISEMENT

Malapit na ito sa lagpas 200 na naitalang nakamamatay na aksidente noong 2018.

Nababalewala umano ang mga lane na ibinibigay sa mga rider, partikular na sa EDSA kung saan nagsasagawa ng lane-splitting o nakikihati ang mga rider sa mga lanes na okupado na ng kotse para mabilis na mabagtas ang kalsada.

Nababalewala rin umano ang speed limit – dahilan para magkaroon ng nakamamatay na aksidente.

"Gagawin mo lang 'yan kung professional ka. Pag nakahinto dapat nakahinto ka rin pero 'yan ugali ng Pilipino, papasok 'yan, nagmamadali eh. Kanya marami ring namamatay yung sa trak," ani Sta. Cruz.

May iilan ding insidente na nakakasagi umano ng mga side mirror at nakakagasgas ng katabing sasakyan ang mga motor, na isinisisi ni Sta. Cruz sa kakulangan ng driver’s education. Maluwag din umano ang pagkuha ng lisensiya.

Aabot sa 9,000 ang kumuha ng written exam sa naging road safety seminar ng riders' group. Pero walo lang ang nakakuha ng passing grade.

Nakatakda namang magkaroon ng rider’s seminar sa layuning maka-iwas sa disgrasya.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.