Lalaki inireklamong nangikil sa dating child actor sa loob ng 4 taon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki inireklamong nangikil sa dating child actor sa loob ng 4 taon

Lalaki inireklamong nangikil sa dating child actor sa loob ng 4 taon

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 15, 2019 07:31 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang lalaki na 4 taon umanong kinikilan ng pera at gamit ang dating child actor kapalit ng hindi nito pagpapakalat ng mga hubad na larawan ng biktima.

Ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek na si Leovi Reyes matapos niya humingi ng P50,000 at sapatos mula sa biktimang si alyas "Alan," na ngayon ay 16 anyos na.

Kuwento ng ina ng biktima, 12 anyos si Alan nang magkamali itong magpadala ng hubad na retrato sa umano'y "girlfriend" sa internet.

Matapos noon ay nag-message daw ang nobyo ng "girlfriend" ni Alan at humihingi ng pera kapalit ng hindi pagpapakalat ng nude photos.

ADVERTISEMENT

Kalaunan, natuklasan na ang "girlfriend" at "boyfriend" nito ay iisang tao lang: si Reyes.

Nagpatuloy ang "sextortion" sa loob ng 4 taon at aabot na raw sa P250,000 ang kabuuang naibigay ng pamilya ni Alan sa suspek. Buwan-buwan din daw humihingi ng damit si Reyes.

"Tinuruan pa niya ang anak ko kung paano magsinungaling, magnakaw, at kumuha ng gamit namin at ng mga kapatid niya... Nag-trigger na ito ng suicide sa kaniya," kuwento ng ina ni Alan na si alyas "Maribel."

Nitong Huwbes ay ganap nang nasakote si Reyes sa labas ng isang fast food restaurant sa Bulacan.

Giit ng suspek, may sakit ang kaniyang mga magulang kaya niya nagawa ang krimen.

ADVERTISEMENT

"May stroke kasi ang tatay ko, ang nanay ko may breast cancer. Kailangan ko ng pera," depensa ni Reyes.

Pero giit ni Maribel, walang kapatawaran ang ginawa ni Reyes.

"Hindi na niya mababalik 'yung 4 na taon ng anak ko na nabuhay siya sa takot."

Pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Alan para sumailalim sa counseling.

Kulong si Reyes sa kasong child abuse at robbery-extortion.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan pa ng National Bureau of Investigation kung may iba pa itong mga nabiktima.

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.