Suspek sa pangungupit sa 'honesty store' ng MPD, di na mahagilap | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Suspek sa pangungupit sa 'honesty store' ng MPD, di na mahagilap

Suspek sa pangungupit sa 'honesty store' ng MPD, di na mahagilap

ABS-CBN News

Clipboard

Sapul sa CCTV si alyas "Liza" nang mangupit ito sa honesty story ng MPD. Screenshot

Hindi na nagpapakita sa Manila Police District (MPD) ang babaeng striker na nakuhanan ng CCTV na kumukupit sa kita ng "honesty store" na nakapuwesto sa lobby ng kanilang headquarters.

Sinibak na sa puwesto ang babae at matapos pumutok ang balita ng nakawan ay hindi na mahagilap ang striker na kinilalang si alyas "Liza."

Ayon sa MPD, matagal nang nagseserbisyo sa ibat ibang unit ng Manila police ang babae.

Hulyo 23 bandang alas-7 ng umaga nang makunan ng CCTV si Liza na kumukuha ng pera sa garapon ng honesty store at agad inilalagay sa kaniyang sling bag.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kooperatiba ng MPD, kung susumahin ay nasa mahigit P10,000 ang nawalang kita sa kanilang tindahan.

Nauna nang nagduda ang mga namamahala ng honesty store sa biglaang pagbaba ng kanilang kita matapos itong ilunsad noong Hunyo 9.

Sa ngayon ay hindi pa lumulutang sa MPD si Liza para idepensa ang kaniyang sarili.

Nahaharap ang babae sa kasong theft.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.