2 umano'y kasabwat ng Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 umano'y kasabwat ng Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga

2 umano'y kasabwat ng Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga

Jewel Reyes,

ABS-CBN News

Clipboard

ZAMBOANGA CITY - Dalawang hinihinalang kasabwat ng Abu Sayyaf Group ang nahuli dito sa lungsod, Miyerkoles.

Nagpakilala ang mga suspek bilang mga "volunteer tanod" sa Barangay Taluksangay ngunit nakuha mula sa kanila ang matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog nang siyasatin ng mga awtoridad, ayon sa isang report mula sa Police Regional Office 9 (PRO9).

Nakuha mula sa mga suspek ang isang M16 rifle, dalawang kalibre .45 na baril, isang 9mm pistol, dalawang bote ng ammonium nitrate, at isang time fuse, ayon sa mga pulis.

Matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang dalawang 'di pinangalanang suspek, ayon kay Chief Supt. Billy Beltran, direktor ng PRO9.

ADVERTISEMENT

Ang mga suspek ay miyembro ng isang gun-for-hire group na sangkot sa tatlo o apat na insidente ng pamamaril sa Zamboanga, ani Beltran.

Nagsisilbi rin umano silang mga "spotter" ng Abu Sayyaf group tuwing sila ay magsasagawa ng pangingidnap o illegal gun trade, dagdag ni Beltran.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung may iba pang kasabwat ang 2 suspek.

Kakasuhan ang mga suspek ng illegal possession of fire arms and explosives.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.