Russian students na sumayaw ng tinikling nag-viral | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Russian students na sumayaw ng tinikling nag-viral

Russian students na sumayaw ng tinikling nag-viral

Jerome Fadriquela | TFC News

 | 

Updated Aug 14, 2022 01:16 PM PHT

Clipboard

MOSCOW - Viral ngayon sa social media ang isang minutong video sa Facebook page ng Philippine Embassy sa Moscow, Russia.

Makikita sa video ang Russian university students na sumasayaw ng Tinikling. May higit isang milyong views na ito, 50,000 reactions at 5,000 beses na nai-share. Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen, malaking nagawa ang viral video para maipakilala sa mga taga-Russia ang kultura ng Pilipinas.

Tinikling
PE Moscow photo

“This is certainly the most viral original content of the Embassy since we joined socmed, and is probably the most wide-reaching socmed post of any Philippine Foreign Service Post for that matter,” sabi ni Bailen.

Mula sa Philippine Independence Day festivities sa embahada noong June 12, 2022 ang viral video. Ito ang unang Filipino community gathering sa Moscow mula nang magsimula ang pandemya.

Tinikling
Image from PE Moscow FB page

Dinaluhan ng kinatawan ng Filipino community at mga Russian guests ang pagdiriwang, kung saan ibinida ang kultura at pagkaing Pinoy maging ang katutubong sayaw tulad ng Tinikling.

ADVERTISEMENT

Ang Russian dancers ay mga mag-aaral ng prestihiyosong Moscow Lomonosov State University, kung saan ang ilan sa kanila ay nag-aaral ng Philippine Studies.

Ayon kay Ambassador Bailen, hindi kasali ang Russian students sa programa ng Independence day, pero nang napanood niya ang video ng mga mag-aaral ng Moscow Lomonosov State University na sinasayaw ang Tinikling, nagkaroon siya ng ideya na imbitahan silang magtanghal sa Philippine Independence Day celebration.

“It would be a sin not to share this very beautiful dialogue of cultures with a larger audience. The first in-person June 12 celebrations in the embassy in three years was coming up, and it was the perfect stage and occasion to share what these Russian students were learning. And thanks to the reach of socmed, we can even share this gift with a worldwide audience. The positive and good vibes response has been overwhelming and very encouraging. Maybe next year, they can even dance the singkil,” dagdag ni Bailen.

Russian students
PE Moscow photo

Pinasalamatan naman ni Bailen ang Filipino community volunteers na sina Josil Baladad at Emelda Jeresano, sa pagturo ng Tinikling sa Russian students.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Russian Federation, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.