Mga konsumer gumagamit ng alternatibo sa gitna ng sugar price hike | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga konsumer gumagamit ng alternatibo sa gitna ng sugar price hike

Mga konsumer gumagamit ng alternatibo sa gitna ng sugar price hike

ABS-CBN News

Clipboard

Honey ang ginagamit ni Bebian Baranda para tumamis ang kaniyang kape, sa harap ng tumataas na presyo ng asukal. ABS-CBN News
Honey ang ginagamit ni Bebian Baranda para tumamis ang kaniyang kape, sa harap ng tumataas na presyo ng asukal. ABS-CBN News

MAYNILA – Nakagawian na ni Bebian Baranda ang pag-inom ng kape tuwing umaga.

Ang nakasanayang asukal na pampatamis, pinalitan na niya muna ng honey.

"Kaya honey ang ginagamit ko kasi nakatitipid ng konti, yung white sugar nasa P100 na yung washed nasa P80 so yung honey na isang bote is equivalent to isang kilo, iyon maconsume ko ng 2 months, yung 1kl ng sugar ma-consume ko ng half month," ani Baranda.

P150 ang isang bote ng honey na pinabibili pa niya sa Baguio.

ADVERTISEMENT

Gumamit din siya ng hila-hila na gawa sa pulot at P10 lang ang kada supot.

Higit isang dekada namang nagbebenta ng honey si Julia Alayon na nag-seminar pa sa mga madre at tribo ng Mangyan sa Mindoro para sa tamang pagkilatis ng pulot.

"Ang iba, bumibili sa akin kasi ginagawa nilang pag-sub sa asukal," ani Alayon.

Umaabot na sa P100 kada kilo ang puting asukal, P75 naman ang kada kilo ng washed at P70 ang kada kilo ng brown sugar sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Nagsasagawa na ng early harvesting sa mga tubo ang mga mangsasaka at magsisimula na ang milling ngayong Agosot, ayon sa Department of Agriculture.

ADVERTISEMENT

"Local sugarcane planters harvested their produce early and are set to initiate the milling process in the coming weeks of August," ani Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista.

Panawagan naman ng United Sugar Producers Federation sa DA na bigyang-prayoridad sa pag-angkat ng asukal ang mga konsumer.

"Wala naman po kaming problema na mag-import. 'Yong resolution namin is for the government to ensure local traders na to import 300,000 MT of refined sugar at dapat lahat ibagsak sa merkado par ayung consumer at bakers ang makinabang," ani United Sugar Federation President Manuel Lamata.

Siniguro rin ng grupo na magkakaroon ng sapat na supply ng raw sugar sa katapusan ng buwan dahil sa early harvesting ng mga tubo.

-- Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN Newsa

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.