Bilang ng nagka-COVID-19 sa mga bakunado sa PH kaunti lang: datos | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bilang ng nagka-COVID-19 sa mga bakunado sa PH kaunti lang: datos

Bilang ng nagka-COVID-19 sa mga bakunado sa PH kaunti lang: datos

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nasa 735 ng higit 10 milyon nang nababakunahan kontra COVID-19 ang nahawahan ng sakit, batay sa datos na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) nitong Biyernes.

Kasama sa bilang ang mga nabakunahan ng una at ikalawang dose.

Ayon sa datos, aabot sa 167 ang maituturing na "fully vaccinated" o nakompleto na ang kanilang COVID-19 vaccine doses ang nagka-COVID-19.

Sa bilang, 116 ay maituturing na breakthrough infections, o nagkaroon ng COVID-19 14 araw matapos makompleto ang lahat ng dose, habang 65 ang pumanaw.

ADVERTISEMENT

"We have to put this into perspective, itong 735 at 65 out of 11 million ito na nabakunahan for the past 6 months. Breakthrough infection kapag nagkaroon ka ng COVID more than 14 days after 14 days completion of all doses. Mayroon tayong 116 of breakthrough infection. Most 88 percent were mild, 11 percent were hospitalized, 1 percent death," ayon kay FDA Director-General Eric Domingo.

Sa mahigit 7 milyong nakatanggap ng unang dose ng Sinovac ay aabot sa 266 ang tinamaan ng COVID-19. Sa bilang, 37 ang namatay.

Sa higit 5 milyon naman na nakatanggap ng dalawang dose ng naturang bakuna ay 129 ang nagkaroon ng COVID-19, habang tatlo ang namatay.

Aabot sa 255 ang nagka-COVID-19 sa 3 milyong nakatanggap ng unang dose ng AstraZeneca, kung saan 21 ang pumanaw. Pero sa higit 900,000 na fully vaccinated na nito, 37 ang nagka-COVID-19 at wala sa kanila ang namatay.

Mababa pa lang ang datos ng Sputnik V at Moderna dahil ito 'yung mas nahuling gamitin.

ADVERTISEMENT

Pero sa higit 76,000 na tinurukan ng unang dose ng Moderna ay may isa nang nagkaroon ng COVID-19, at may 6 nang nagka-COVID-19 sa 249,708 na tinurukan ng unang dose ng Sputnik V kung saan 1 ang namatay.

Aabot naman sa 1.9 milyon ang naturukan na ng Janssen vaccines at maituturing nang fully vaccinated dahil isa lang ang dose na kailangan nito. Walang naitalang nagka-COVID sa kanila.

Aabot naman sa 1.2 milyon ang nakakaisang dose na ng Pfizer, kung saan 18 ang nagka-COVID-19 at walang namatay. Isa naman ang naitalang nagka-COVID-19 sa halos 1.1 milyon na fully vaccinated ng Pfizer.

Inaalam pa sa ngayon ng FDA kung nakailang dose na ng Pfizer vaccine ang naitalang namatay.

Kapansin-pansin ayon sa FDA na higit na bumaba ang tsansang magka-COVID-19 ng isang fully-vaccinated na kaya panawagan ni Domingo: "Talagang important to complete the recommended doses. Nakikita natin talagang meron pang mahigit at mabilis na pagbaba ng cases ng COVID at death from COVID pag nakompleto ang 2 doses."

ADVERTISEMENT

Hindi naman daw dapat ikabahala ang maraming bilang ng nagkaka-COVID-19 sa mga nakakaunang dose ng AstraZeneca at Sinovac, dahil lumalabas na wala pang 1 porsiyento ng partially at fully vaccinated ang tinamaan ng COVID-19 o kaya namatay.

Hindi rin dapat basta mabahala sa bilang ng namatay lalo't hindi naman malinaw sa datos ng FDA kung mga senior o may comorbidity ang mga ito.

May paliwanag din ang isang experto kung bakit mas marami ang nagkaka-COVID-19 sa mga nakatanggap ng Sinovac at AstraZeneca vaccines.

"Nandoon 'yung possibility na mas maraming magkakaroon ng breakthrough cases sa Sinovac kasi sila 'yung maraming nabakunahan sa Pilipinas. Mas maaga rin nagsimula 'yung pagbabakuna natin gamit ang Sinovac kumpara sa ibang brands, so may epekto rin yun sa numero," ani ABS-CBN News Data Analytics Head Edson Guido.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.