Dating vice mayor ng Lobo, Batangas patay sa pamamaril | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating vice mayor ng Lobo, Batangas patay sa pamamaril

ABS-CBN News
Published Aug 12, 2022 01:49 AM PHT
|
Updated Aug 12, 2022 02:41 AM PHT

(UPDATE) Patay ang dating vice mayor ng bayan ng Lobo, Batangas na si Romeo Sulit, 61, matapos siya pagbabarilin nitong Huwebes, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay Police Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo Police, nagbibigay ng speech sa isang birthday party si Sulit sa Brgy. Tayuman, nang malapitan siyang barilin ng isang hindi nakilalang lalaki na nakasuot ng face mask at sumbrero.

Nagtamo ang ang kasalukuyang Sangguniang Bayan secretary ng tama ng bala sa ulo mula sa caliber-.40.

Itinakbo ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa Lobo District Hospital bago siya inilipat sa Batangas Medical Center sa Batangas City.

Binawian ng buhay si Sulit bandang 12:34 ng madaling araw ngayong Biyernes, ayon sa pulisya.

Hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril habang patuloy ang manhunt operation ng mga pulis. – Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News