Nasunog ang isa sa pinakamalaking palengke sa bayan ng Teresa, Rizal, pasado alas-8 Miyerkoles.
Tinatayang aabot sa P4.8 milyong ang halaga ng natupok.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa harapang bahagi ng palengke.
Pawang dry goods, gadgets at mga tsinelas ang ibinebenta sa bahaging ito ng pamilihan. Agad itinaas sa ika-3 alarma ang sunog matapos kumalat sa iba pang katabing mga stalls.
Alas-11:44 Miyerkoles ng gabi nang ideklarang fire out ang sunog. Tantsa ng BFP na halos nasa 80% ng palengke ang nasira dahil sa sunog.
Wala namang nasugatan o namatay sa insidente.
Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog, pero isa sa sisiliping anggulo ang electrical wiring dito.