PatrolPH

Magpinsan patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2021 08:21 PM

Patay ang 2 lalaki na magpinsan matapos pagbabarilin sa San Enrique, Iloilo nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Ruben Campos, 30 at Limuel Bandianon, 36.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi sakay ng motorsiklo ang magpinsan galing ng lamay nang harangin ng mga salarin.

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at salarin hanggang sa narinig ng mga residente sa lugar ang sunod-sunod na putok ng baril.

Natagpuan na lang ang magpinsan na nakahandusay sa kalsada.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Campos habang binawian ng buhay habang ginagamot si Bandianon.

Nakuha sa crime scene ang 3 basyo ng balang hinihinalang galing sa 9mm caliber pistol.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay at tinutugis ang suspek.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.