Ilang maling lessons na ipinalabas ng DepEd pinuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang maling lessons na ipinalabas ng DepEd pinuna

ABS-CBN News
Published Aug 12, 2020 05:38 PM PHT
|
Updated Aug 13, 2020 08:02 PM PHT

Umani ng batikos ang Department of Education matapos lumabas ang ilang mali sa mga lesson na ipinakita sa test broadcast ng DepEd TV, kung saan ipalalabas ang mga educational show para sa darating na pasukan.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Citas Aquino ang kuha niya ng English lesson para sa Grade 8 students na inere sa test broadcast noong Martes.

Tampok sa retrato ang sentence na nagsasabing "Tagaytay City is known for wonderful picturesque of the majestic Mount Taal," na umano ay grammatically incorrect.

"Nakakatakot," sabi ni Aquino, isang communication skilled trainer, sa panayam ng ABS-CBN News.
"Nakakatakot," sabi ni Aquino, isang communication skilled trainer, sa panayam ng ABS-CBN News.
ADVERTISEMENT
Nadismaya rin dito ang beteranong mamamahayag na si Joel Pablo Salud.

"Bakit ganito ang tinuturo? Tapos nagtataka tayo na 'di tayo makapagsalita ng English," ani Salud.

Aminado ang DepEd na may pagkakamali sa mga TV lesson na dapat maplantsa.

"Ang ginawa namin kahapon ay isang test broadcast para lang makita ang capability sa technical aspect sa broadcasting," ani Education Undersecretary Alain Pascua.

Nangako si Pascua na aayusin ang mga pagkakamali bago ang simula ng klase sa Agosto 24.
Nangako si Pascua na aayusin ang mga pagkakamali bago ang simula ng klase sa Agosto 24.
ADVERTISEMENT
Isa ang telebisyon sa mga gagamitin ng DepEd para makapaghatid ng mga aralin sa mga estudyante, na mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Bukod sa telebisyon, gagamit din ng printed at digital modules, online classes, at radyo.

Ipinagbawal ang pagdaraos ng klase sa mga classroom dahil sa patuloy na banta ng COVID -19. -- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Education
DepEdTV
edukasyon
education
TV education
TV-based instruction
School Year 2020-2021
COVID-19 pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT