Masamang tinginan nauwi sa suntukan sa Naga | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Masamang tinginan nauwi sa suntukan sa Naga

Masamang tinginan nauwi sa suntukan sa Naga

Mylce Mella,

ABS-CBN News

Clipboard

NAGA CITY - Nakunan ng bidyo ang suntukan ng 2 lasing na lalaki sa Magsaysay Avenue sa lungsod na ito Linggo ng madaling araw.

Sa bidyo ni Carlo Prila Jr. sa Facebook, makikita ang suntukan ng 2 lalaki sa tapat ng isang gasolinahan.

Lasing umano ang dalawa.

May ilang umaawat sa nagsusuntukan, habang maririnig naman ang mga nanonood na animo'y pumupusta pa habang nagsasakitan ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Paalis na sana ang isa sa mga lalaki pero bumalik pa ito na parang nanghahamon kaya nagpatuloy ang suntukan hanggang natumba ang 2 nang ilang beses.

Natigil lamang ang away nang dumami na ang lumapit sa 2 at umawat.

"May pumuntang concerned citizen sa nearby police station. Nagresponde naman ang pulis natin agad-agad, a few minutes kaya lang pagdating ng pulis natin na-pacify na," ani SPO2 Tobials Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office.

Nagsimula umano ang away dahil sa masamang tinginan.

Wala naman sa record ng pulisya sa Naga ang insidente dahil nagkaayos din umano ang dalawang kampo.

ADVERTISEMENT

"Although kilala pero okay na raw sabi dun, kaya hindi naman daw, wala namang problema, wala naman daw nasaktan talaga," ani Bongon.

Ayon pa sa pulisya, may rumoronda naman umano sa lungsod kapag gabi, pero natiyempuhan na walang pulis malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Mas papaigtingin naman umano ng Public Safety Office ng lokal na pamahalaan ang pagroronda sa Magsaysay Avenue lalo na sa lugar kung saan maraming inuman.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.