7 anyos na babae patay nang pagtatagain ng kapitbahay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 anyos na babae patay nang pagtatagain ng kapitbahay

7 anyos na babae patay nang pagtatagain ng kapitbahay

Rod Bolivar,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2018 05:42 PM PHT

Clipboard

Itak na nakuha mula sa suspek sa pagtaga sa isang 7 anyos na babae sa Bukidnon. Rod Bolivar, ABS-CBN News

Patay ang isang pitong taong gulang na babae matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay sa Talakag, Bukidnon.

Naliligo sa batis ang bata kasama ang kapatid nito Biyernes nang bigla umanong dumating ang 42 anyos na suspek na may itak.

Nagtangkang tumakas ang magkapatid at ilan nilang kaibigan pero nahawakan ng suspek sa buhok ng bata.

“Nahawakan ko pa ang aking kapatid para makatakbo kami pero hinila ang kanyang buhok,” sabi ng nakatatandang kapatid.

ADVERTISEMENT

Nagtamo ng tatlong malalaking sugat sa katawan ang biktima. Naisugod pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

Nang maaresto, nabawi mula sa suspek ang itak na ginamit umano sa krimen. Nakunan din siya ng isang pakete ng umano'y shabu.

Depensa ng suspek, may humahabol sa kanyang mga lalaki kaya nagawi siya sa may batis.

“Nadamay lang ang bata dahil may umatake sa akin na grupo ng mga lalaki,” paliwanag ng suspek.

Naniniwala ang mga pulis na nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek.

Maliban sa kasong murder, haharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.