Mga Pinoy sa Vietnam, sandalan sa panahon ng kagipitan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy sa Vietnam, sandalan sa panahon ng kagipitan

Annalyn Mabini | TFC News Vietnam
Published Aug 11, 2021 12:24 PM PHT

VIETNAM -- Sa panahon ng kagipitan, ang mga Pinoy sa Vietnam, matibay na masasandalan ng ating mga kababayang lubhang naapektuhan ng pandemya. Nakatanggap ng mga libreng food pack ang mga Pilipino sa inilunsad na “Pantawid Food Drive” ng Samahang Pinoy Vietnam o SAPI.

Nitong Linggo, ika-8 ng Agosto, 2021, isinagawa ng SAPI ang kanilang “Pantawid Wave 6” o ika-anim na pamimigay ng free food packs sa District 7 ng Ho Chi Minh City, ang lungsod kung saan naninirahan ang marami sa ating mga kababayang Pinoy. 150 free food packs ang kanilang naipamigay mula sa mga donasyon ng mga miyembro ng SAPI na nag-ambagan para makalikom ng pambili ng pagkaing ipamimigay.

“Ang nilalaman po ng ating pantawid food pack nitong August 8 ay 5 kilong bigas, 500 grams na karne, 2 bote ng mantika, 2 bote ng toyo, 6 na pirasong noodle packs at isang bag ng kape na naglalaman ng 24 na pirasong sachet,” pagbabahagi ni Gerard Ruivivar, walong taon ng guro sa Vietnam at siyang Public Relations Officer ng SAPI.

Kabilib-bilib din na naisasagawa ng Pinoy volunteers ang door-to-door delivery ng free food packs sa kabila ng COVID-19 restrictions sa bansa. At dahil sa lawak ng Ho Chi Minh City at para tiyaking maiparating sa mga kababayan ang pantawid ayuda, nagboluntaryo naman ang ibang Pilipino na gamiting “claim stations” ang kanilang tahanan kung saan puwedeng i-pick up ng recipient ang food packs.

“Sa kasalukuyan po ay naglunsad ng malawakang lockdown sa lungsod ng Ho Chi Minh at ng karatig-bayan na tinatawag nila na “Directive 16”. Sinasaad po dito ang “social distancing” sa pamamagitan ng pananatili sa mga tahanan, ang pagsuspinde sa mga business at pinahintulutan lamang ang ‘essential services.” Ang pagtigil ng operasyon ng “mass transportation” at ang pagbabawal sa pagtungo sa mga kritikal na lokalidad na maraming tinamaan ng impeksyon. Ito po ay ibinaba ng pambansang pamahalaan upang maiwasan ang pag kalat at paghawa ng sakit dulot ng virus,” ani Ruivivar.

Dahil po sa umiiral na direktiba ng pamahalaang local, humingi po tayo ng permiso na makapaglibot sa lungsod. Sa pakikipagtulungan po ng isang logistics company na pagmamay-ari ng Pilipino, naitawid at naihatid po natin ang mga food packs sa kanilang mga tahanan,” dagdag ni Ruivivar.

Ang karaniwang recipients ng kanilang pantawid food drive ay ang mga manggagawa at pamilyang Pilipinong tinamaan ng paghihigpit para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus. Ayon pa sa SAPI, maraming Pilipino sa Vietnam ang nawalan ng trabaho simula pa noong pinairal ang lockdown noong katapusan ng Abril.

“Kasama po sa nabigyan ng pantawid ay mga guro dahil po walang face-to-face classes, may ibang mga paaralang nagsara dahil sa 'virtual home-schooling set-up.' Ang mga nasa entertainment kagaya ng mga miyembro ng banda dahil sarado po ang mga bars and café kung saan sila tumutugtog. Mga kasambahay na ang ibang mga employer nilang banyaga ay umuwi sa kanilang mga bansa at nilisan na ang Vietnam. Tigil-operasyon din po ang mga nagta-trabaho sa construction sites at hospitality industry kagaya ng mga restawran at iba pa,” kuwento ni Ruivivar.

“Layunin din po nito ang makausap at marinig ang kanilang mga kuwento at karanasan na kanilang pinagdaraanan sa gitna ng krisis. Ang “Pantawid” ay nagsisilbing mitsa ng pag-asa para sa pansamantalang kalagayan ng ating mga kababayan.”
Nagpaabot naman ng pasasalamat sa SAPI ang mga kababayang nakatanggap ng pantawid ayuda.

At sa lahat ng mga Pilipino sa Vietnam na boluntaryong nagbabahagi ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pagdo-donate ng pera, pagkain, delivery service at kanilang mga tahanan bilang “claim stations,” nagpapasalamat ang SAPI dahil sa kanilang tulong, naipaaabot din ang pantawid na ayuda sa mga kababayan.

“Tunay na nakamamangha ang malasakit sa kapwa at likas na pagkamatulungin ng mga Pilipino sa oras ng kagipitan. Hanggang ngayon po ay bumubuhos pa rin ang suporta ng ilan nating kababayan para magbigay-daan sa proyektong ito. Nakakataba po ng puso sapagkat maraming nais magbahagi ng kanilang “blessings” at inako nila ang pananagutan para sa aming komunidad. Ang tiwala po ng bawat ka-SAPI ang nagpapatibay sa amin dito na kahit anong unos pa ang dumating, andito po ang komunidad na handang umagapay at tumulong. Ramdam po namin ang espiritu ng bayanihan sa mga pagkakataong ito,” sabi ni Ruivivar.