Lalawigan ng Quirino, nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalawigan ng Quirino, nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 01:38 AM PHT

Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan ng Quirino.

Inihayag ito ni Governor Dakila Carlo Cua Lunes ng gabi sa isang Facebok video.

Hindi na muna idinetalye ni Cua kung paano nagkaroon ang pasyente ng COVID-19. Pero aniya, nasa mabuti itong kalagayan at planong ilagay sa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center.

Nagsimula na rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente at inabisuhan sila para gawin ang strict self-quarantine.

ADVERTISEMENT
Pakiusap ni Cua sa mga kababayan na huwag magpanic at gawin ang mga nararapat na pag-iingat para makaiwas sa COVID-19.

Sa loob ng halos limang buwan ay naging COVID-free ang Quirino kasama ang lalawigan ng Batanes.