2 drug suspek, patay sa buy-bust sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 12:12 PM | Updated as of Aug 11 2018 12:45 PM

SAN JUAN, Batangas - Patay ang 2 drug suspek nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation dito sa bayan, Biyernes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakahalata ang mga suspek na sina Reynaldo Javier at Christopher Hinteroy na mga pulis ang pinagbentahan nila ng ilegal na droga sa Barangay Lipahan kaya't nagpaputok ang mga ito ng baril upang makatakas.

Nagtamo ng tama ng bala ang mga suspek sa iba't ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod sa San Juan District Hospital kung saan sila idineklarang dead on arrival.

Nakuha mula kina Javier at Hinteroy ang 2 baril, P1,000 na marked money, at isang cellphone.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.