'Drug supplier' ng mga artista at VIP, patay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Drug supplier' ng mga artista at VIP, patay

'Drug supplier' ng mga artista at VIP, patay

Maan Macapagal,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Dalawa ang patay, kabilang ang sinasabing supplier ng iligal na droga sa mga artista at diplomat, matapos manlaban umano sa mga pulis sa San Pedro, Laguna Huwebes ng umaga.

Isinisilbi ng mga tauhan ng police Anti-Illegal Drugs Group ang search warrant sa umano'y drug supplier na si Alvin Comerciante sa bahay niya sa Adelino Subdivision nang pumutok ang engkwentro.

Kapwa napaslang sina Comerciante at isa pang hindi nakilalalang suspek sa gitna ng operasyon.

Ayon sa mga pulis, may ilan din silang naaresto, kasama ang kinakasama ni Comerciante na si Cristine Padilla, na umano'y kamag-anak ng aktor na si Robin Padilla.

ADVERTISEMENT

Si Comerciante ang sinasabing taga-suplay ng bawal na gamot sa ilang show business personality at diplomat.

Ginagamit din umano siyang hitman ng mga drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) at iba pang penal colony.

Partikular umanong target ni Comerciante ang mga ka-transaksyon ng mga drug lord na nabibigong bayaran ang kinuhang droga.

Itinanggi naman ni Padilla na sangkot siya sa iligal na gawain ng nobyo.

Katunayan anya ay sinasaktan siya ni Comerciante tuwing sinusubukan niyang iwanan ito.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang mga personalidad na suki ni Comerciante.

Patuloy ding sinisiyasat ng mga pulis ang bahay ng suspek, hanggang pasado alas-12 ng tanghali.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.