Ilang bahay at stalls sa Bukidnon, sinira ng malakas na hangin | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahay at stalls sa Bukidnon, sinira ng malakas na hangin

Ilang bahay at stalls sa Bukidnon, sinira ng malakas na hangin

ABS-CBN News

Clipboard

 Nasira ang bahay na ito sa bayan ng Dangcagan, Bukidnon matapos mabagsakan ng punong tinumba ng malakas na hangin noong Agosto 6, 2022. Courtesy: April Hibalay
Nasira ang bahay na ito sa bayan ng Dangcagan, Bukidnon matapos mabagsakan ng punong tinumba ng malakas na hangin noong Agosto 6, 2022. Courtesy: April Hibalay

MANILA — Nasira ang ilang mga bahay at mga stall sa Barangay Poblacion sa bayan ng Dangcagan, Bukidnon dahil sa malakas na hangin at ulan nitong Sabado ng hapon.

Sa mga larawang ibinahagi ni April Hibalay, kita ang mga sira-sirang paninda ng mga vendor sa plaza. Sinira rin ng hangin ang tent ng mga stall.

Kuwento ni Hibalay, biglang nakaranas ng malakas na ulan at hangin sa lugar na naging sanhi ng pagkasira ng mga istruktura. Hinala nila, maaaring buhawi ang tumama sa kanilang lugar.

"Mga vendors po ay apektado. Wala namang naiulat na nasugatan," sabi ni Hibalay sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Natumba rin ang ilang punong kahoy sa Barangay Poblacion, kung saan may ilang bahay ang tinamaan nito.

—Ulat ni Hernel Tocmo

BALIKAN:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.