Nanay na may bagong silang na sanggol tengga pa rin sa Batangas port | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nanay na may bagong silang na sanggol tengga pa rin sa Batangas port

Andrew Bernardo,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 05:05 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2020 08:34 PM PHT

BATANGAS CITY — Nasa labas pa rin ng Batangas port ang babaeng kapapanganak pa lang at marami pang ibang locally-stranded individuals (LSI) dahil sa iba't ibang aberya sa pagpapauwi sa kanila.

Nag-iigib ng tubig sa labas ng Batangas port si Pedro Palustre, Jr. para sa iinumin ng kaniyang pamilya, na ngayon ay nakatira sa loob ng jeep.

Patawid sana sila ng Oriental Mindoro, pero hindi pinapayagan na makasakay ng barko dahil bukod sa kulang ang papeles ay galing din sila sa lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Mag-aapat na araw na sila sa ganitong kalagayan, kaya hindi maiwasang mag-alala ng kanyang partner na si Madelyn Torres para sa kanilang kapapanganak pa lang na sanggol.

ADVERTISEMENT
"Baka po magkasakit gawa ng naulan, katulad po kagabi naulan, kaya ang daming harang, eh kung matatagalan pa po kami at ganito ang panahon baka may magkasakit," ani Torres.

Hindi rin maiwasan na mag-alala ng 11-anyos na panganay nilang anak.

"Mahirap din po kasi malamok tuwing gabi tapos pag nakain po pahirapan," aniya.

Nitong Lunes, nagpadala na daw ang Oriental Mindoro ng team para maasikaso sa pangangailangan ng pamilya.

"Tingnan namin kung may puwede kaming maibigay na assistance kasi kung ma-pending sila at stranded tatagal pa sila nang ilang araw, baka puwedeng mabigyan ng ayuda," ani Raymond Mendoza, LSI coordinator.

Sa kasalukuyan, mayroong higit 40 LSI ang tengga ngayon sa labas ng Batangas port.

Paulit-ulit naman ang paalala ng Oriental Mindoro na antayin muna ang kumpirmasyon na ipinadadala sa email o text bago bumiyahe para maiwasan ang abala.

Inaasahan namang makakaalis na ngayong Lunes ang 16 na LSIs na galing sa lugar na GCQ.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
MECQ
GCQ
Batangas port
LSI
locally-stranded individuals
TV PATROL
TV PATROL TOP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT