Maiden name ni misis, puwede pa bang ibalik matapos ang hiwalayan? | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Maiden name ni misis, puwede pa bang ibalik matapos ang hiwalayan?

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2018 05:04 PM PHT
|
Updated Dec 03, 2019 09:48 AM PHT
Lingid sa kaalaman ng lahat na maaari pa ring gamitin ni misis ang kaniyang pangalan sa pagkadalaga kahit siya ay kinasal na.

Pero kapag dumating ang panahong naghiwalay sila at gusto ulit ni misis gamitin ang kaniyang maiden name, may iilan pa ring kondisyong kailangang sundin.

Tinalakay ng mag-asawang abogado na sina Victor Carlo Cayco at Cindy Ilagan-Cayco sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM nitong Huwebes ang mga patakaran at batas kaugnay sa paggamit ng isang ginang sa kaniyang apelyido.

Kung nais ng isang ginang na maibalik ang kaniyang dating surname, kailangan muna niyang maghain ng annulment, na matagal at mabigat sa bulsa.

ADVERTISEMENT
"Iyung mga mahirap na wala namang pangtustos na pag-file o paghiling sa korte na maibalik ang kanilang apelyido noong pagkadalaga ay talagang mahihirapan. Ma-stuck sila sa paggamit ng apelyido ng asawa," ani Atty. Victor.

Mas mura man ang legal separation, kinakailangan pa ring gamitin ni misis ang apelyido ng hiniwalayang asawa.

Pero sa ilalim ng isang panukalang batas, maaaring mabago na ang patakarang ito.

Sa ilalim ng House Bill 6028 na inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, mabibigyang-poder ang mga kababaihan na gamitin ang kanilang pangalan sa pagkadalaga matapos ang legal separation.

Ayon kay Atty. Cindy, dapat nang magkaroon ng ganitong batas para sa mga mahihirap na hindi kayang magpa-annul ng kanilang kasal.

"Ito po ang isang paraan na puwede tumulong sa mga kababaihan na ipaglaban 'yung karapatan nila na gumamit ng pangalan na nais nila," aniya.

Ang Civil Registrar General, Department of Justice, Department of Foreign Affairs, at ang Office of the Supreme Court Administrator ang bibigyang-kapangyarihan na gumawa ng mga patakaran sakaling maipasa ang batas na ito.