Unang batch ng caregivers sa ilalim ng PH-Israel bilateral labor agreement, dumating na sa Tel-Aviv | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang batch ng caregivers sa ilalim ng PH-Israel bilateral labor agreement, dumating na sa Tel-Aviv

Jerome Fadriquela | TFC News
Published Aug 09, 2021 05:49 PM PHT
|
Updated Aug 09, 2021 06:10 PM PHT

TEL AVIV - Dumating na sa Israel July 28 ang unang batch ng home-based caregivers na resulta ng bagong Philippine-Israel Bilateral Labor Agreement (BLA).

Pinirmahan ng Pilipinas at Israel ang labor agreement noong September 2018 kasabay ng official state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.

Pinangunahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang recruitment procedures sa Pilipinas at ang Population and Immigration Authority ng Israel ang nanguna para maipatupad ang kasunduan sa Israel nitong nakaraang Disyembre.

“I warmly welcome our newly-arrived workers to Israel, your arrival marks the long-awaited full implementation of the bilateral labor agreement on the deployment of Filipino caregivers to Israel, signed during the President’s visit here in 2018,” pahayag ni Ambassador Macairog Alberto ng Philippine Embassy sa Tel-Aviv.

Ang 48 caregivers ang unang nagsanay sa government to government recruitment process na nagsimula noong December 2020.

Sinalubong ang caregivers ni Philippine Ambassador to Israel Macairog Alberto at staff ng Philippine Embassy sa Israel. Inaasahan ng Israel na may darating na 300 Pinoy caregivers kada buwan hanggang mapunan ang kakulangan ng caregivers para sa mga matatanda at persons with disabilities o PWD sa Israel.

Matatandaang nagkaroon ng crackdown kontra illegal workers ang Israel noong 2019. May mga Pilipinong nahuli na pumasok sa bansa bilang turista at nag-overstay kahit paso na ang kanilang visa.

Ang ilan sa kanila ay nagbayad ng malaking halaga sa illegal recruiters para makarating lang sa Israel. Dahil sa bagong kasunduan, mas madali nang makakapagtrabaho ang Pinoy caregivers sa Israel.

Ayon sa POEA, kumikita ang isang ligal na caregiver sa Israel ng 5,300 New Israeli Shekels o katumbas ng US$ 1,500 o PHP 75,000 kada buwan.

May medical insurance, sick pay at maayos na living accommodations. Payo ng POEA, huwag patulan ang inaalok na trabaho sa Israel ng illegal recruiters bagkus gamitin ang ligal na pamamaraan na hatid ng bilateral labor agreement.

Inaasahang tataas ang labor market share ng Pilipinas sa caregiving sector ng Israel ng hanggang 40% sa susunod na limang taon kapag fully-implemented na ang kasunduan.

Para sa nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Israel at karatig bansa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Source: DFA and POEA websites
Source: DFA and POEA websites
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT