Mag-iina patay sa sunog sa GenSan

Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 12:55 PM

GENERAL SANTOS - Patay ang isang ginang at kanyang 2 anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Labangal sa lungsod na ito, Miyerkoles. 

Sa video na kuha ni Christianel Palma, makikita ang paglamon ng apoy sa bahay ng mag-iina, gayundin sa katabing boarding house at isa pang tahanan.

Nang maapula ang apoy, natagpuan ang bangkay ng ginang sa banyo habang nasa kuwarto naman ang kanyang 2 nasawi ring anak. 

Hindi kasama ng mga biktima ang kanilang padre de pamilya dahil nasa kulungan ito. 

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog. 

Namahagi naman ng relief goods ang mga lokal na opisyal sa 3 pang pamilyang naapektuhan ng insidente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.