Barangay hall sa Tondo na sumakop sa kalsada, giniba ng MMDA

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 09:04 AM | Updated as of Aug 20 2019 12:22 PM

MAYNILA – Isang barangay hall na sumakop sa kalsada ang binaklas sa clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau sa Tondo, Miyerkoles ng umaga.

Giniba ng mga tauhan ng MMDA at MTPB ang isang palapag at sementadong barangay hall ng Barangay 235, Zone 22 na matatagpuan sa Abad Santos sa kanto ng Villaruel Street.

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa-isang inilalabas ang mga kagamitan sa barangay hall tulad ng mga lamesa, flat screen TV, air conditioner at iba pa habang nagbabaklas ang mga operatiba.

Ang nasabing gusali ay sumasakop sa isang lane ng Villaruel Street kaya’t giniba ng awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.