Mass repatriation ng stranded at distressed OFWs patuloy sa Kuwait at Oman, flight cancellations problema sa Saudi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mass repatriation ng stranded at distressed OFWs patuloy sa Kuwait at Oman, flight cancellations problema sa Saudi

Maxxy Santiago| TFC News Kuwait
Published Aug 07, 2021 07:33 PM PHT

KUWAIT - May 180 stranded OFWs mula sa Kuwait ang nakauwi lulan ng special flight na inorganisa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) nitong nakaraang linggo sa pakikipagtulungan ng Kuwait Ministry of Interior.

“I think ina-allow lang ng government sa atin ay 35 seats. So, nag-hingi tayo ng additional seats sa tulong ng ating Secretary of Labor and Employment, si Secretary Bello. Pinagbigyan tayo ng 180 seats,” sabi ni Labor Attache Nasser Mustafa ng POLO-Kuwait.

Nakauwi sa nasabing flight ang mahigit 50 wards sa POLO-OWWA shelter, tatlong medical cases at ang iba mga nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.“Oo uwi na po. Mag po-for good na po.Mag-aalaga po ako kay Nanay. Excited na po ako!” sabi ni Analiza Cerello OFW sa Kuwait.

Nangako rin ang POLO na tutulungan ang iba pang distressed at stranded OFWs na gustong umuwi ng Pilipinas.
Nangako rin ang POLO na tutulungan ang iba pang distressed at stranded OFWs na gustong umuwi ng Pilipinas.
ADVERTISEMENT
“Magpalista sila sa amin. Pumunta sila sa Philippine Embassy. Pumunta sila sa POLO, magpalista sila roon,” dagdag ni Mustafa.

Sa Oman, sa unang pagkakataon, isang libreng chartered flight ang pinangunahan ng Philippine Embassy sa Muscat noong July 26.

“Mayroon tayong 355 na katao na kababayan natin. Dalawampu ang mga bata labindalawa ang minors at walo ang infants,” pahayag ni Ambassador Imelda Panolong ng Philippine Embassy sa Oman. Karamihan sa mga nakauwi ay distressed OFWs mula sa POLO-OWWA shelter. Inaayos na ng embahada ang dalawa pang chartered flights para sa mahigit 700 na nagpalista sa repatriation. “Ang target date natin hindi pa ito finalized, August 10 we’re hoping to complete that list maayos ang funding, maayos ang coordination sa government authorities dito,” dagdag ni Panolong.

Sa Riyadh, problemado ang ilang OFWs na stranded dahil sa sunod-sunod na flight cancellations pauwi ng Pilipinas. Mayo pa sila nawalan ng trabaho at for final exit na ang iba, ang masaklap wala na silang panggastos.

"Nanawagan po kami sa ating gobyerno at embassy sa Saudi Arabia na sana’y mabigyan ng pansin kami, tatlong buwan na kaming natengga, naghihintay ng aming flight na laging nakakansela, wala na po kaming mga trabaho," sabi ni Rhed Jamisola, isang stranded OFW.

Ang sunod-sunod na flight cancellations pauwi ng Pilipinas ay dulot ng ipinapatupad na passengers limit ng Pilipinas sa Saudi airlines alinsunod sa IATF.

“Nag-umpisa po ito dun sa requirements ng ating gobyerno sa Saudi na ‘di sila pwede magkarga ng more than 186 per flight, meron po tayong tinatawag na 2,000 passenger capacity because of the shortage of quarantine facility. Because of that imposition medyo bumawi din ang host country nagbigay din ng similar requirement to PhilIppine Airlines na 186 per flight capacity ‘yun ang naging sanhi ng flight cancellations,” paliwanag ni Ambassador Adnan Alonto, Philippine Embassy, Riyadh, Saudi Arabia.

Dahil sa flight cancellations lumobo ang bilang ng mga stranded na kailangang kupkupin ng shelter ng POLO at Philippine Embassy.

Nagtaas na rin ang presyo ng plane tickets dahil sa mga cancellation kaya umaapela si Alonto sa mga kinauukulan sa Pilipinas at sa airlines na solusyunan ang problema sa lalong madaling panahon.

“Talong-talo ho tayo talaga, talo tayo dito sa sitwasyon na ito on the part of the embassy, tayo po ay humingi ng audience with the MOFA on how this problem can be resolved and nag-request na rin tayo ng permiso para makipag-ugnayan sa GACA yung General Authority of Civil Aviation to possibly reverse this imposition of 186 passenger limit kasi hindi talaga nakakatulong," sabi ni Alonto.

Sa talaan ng Philippine Embassy sa Riyadh, may 6,775 OFWs na ang nakauwi sa Pilipinas mula Mayo 2020 hanggang Hunyo 2021. Nagkaroon ng 20 repatriation flights sakay ang 6,775 OFWs pauwi ng Pilipinas.

Sa mga stranded OFW sa Saudi na gustong makasama sa repatriation flight ngayong Agosto maaring magparehistro sa Facebook page ng embahada.

(Mula sa pinagsamang mga ulat nina Maxxy Santiago, Rowen Soldevilla at Lyndon Aballe)

Para sa mga nagbabagang balita tungkol sa repatration ng ating mga kababayan sa Gitnang-Silangan tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT