PatrolPH

Muntinlupa scholars tatanggalan ng scholarship kapag lumabag sa curfew

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2020 01:39 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sa pagbabalik ng curfew sa Muntinlupa City, kasabay ng pagbabalik ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine, sinabi ng Muntinlupa LGU na may mga karampatang parusa ang mga lalabag dito. 

Sa kapipirmang ordinansa ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, may multang P300 hanggang P500 ang mahuhuling lalabag sa curfew, depende kung ilang beses na ang offense. 

Kung scholar naman ng city hall, matatanggal ang kanilang benepisyo na makukuha sa lungsod kung mahuhuli sa curfew. 

Alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ang curfew sa lungsod. 

Sa Pasay City, epektibo na rin kagabi ang pagbabalik ng kanilang 8pm to 5am na curfew hours. 

Sa Cavite naman, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng curfew. 

Kahapon hanggang kaninang madaling araw, umabot sa 263 ang nahuli ng mga pulis na iba't ibang panuntunan ng MECQ, kabilang ang curfew.

Ilan pa sa mga nauna nang nag-anunsyo ng pagbabalik o nagpanatili ng curfew ang Mandaluyong, San Juan, Maynila, Navotas, Paranaque, Quezon City, Taguig, Valenzuela, at Rizal province. 

Tatagal ang curfew hanggang umiiral ang MECQ na nauna nang itinakda hanggang August 18.

Binibigyan ng national government ng authority ang mga LGU na magpatupad ng curfew depende sa nakikita nilang sitwasyon sa nasasakupan. 

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.