Mga paso sa 'pottery center' ng Pampanga patok ngayong may quarantine | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga paso sa 'pottery center' ng Pampanga patok ngayong may quarantine

Mga paso sa 'pottery center' ng Pampanga patok ngayong may quarantine

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Tumaas ang bentahan ng mga paso sa Pampanga ngayong nahihilig ang marami na magtanim ngayong may quarantine.

Sa barangay San Matias sa bayan ng Sto. Tomas - na tinaguriang "pottery center" ng Pampanga - magkakatabi ang mga gumagawa at nagbebenta ng "kuran at pasu" o clay pots at mga vase.

May samu't saring kulay at disenyo na makikita; may sampleng terracotta, painted, square, egg-shaped, customized.

Mayroon ding iba't ibang character.

ADVERTISEMENT

Magandang tingnan ang mga paso pero mabusisi at mahabang proseso ang paggawa nito, ayon sa isang may-ari ng pottery shop na si Edward Calilung.

"Usually ang pinakamaterial ng paso is the clay one, it takes 3 days bago siya maluto, the first day nakahigh temperature siya sa pugon, the second day nilolow lang yung fire, but 24 hours po silang binabantayan para hindi ma-overcook," ani Calilung.

Pagkaluto, palalamigin at saka ididiretso sa finishing ang paso kung saan pinakikinis at pinipintahan ito.

"Usually ngayon, yung mga designs its either, white gold, black gold, pero meron namang choices si customers o si buyers na pwede naman siyang magdala ng design dito kung gusto niya," ani Calilung.

Dahil tumaas ang demand, tumaas din umano ang presyo ng mga paso na ngayo'y nasa P35 hanggang P1,200.

"Naka-3 beses na nagtaas, 4 na beses, yung sampung piso nuon ano na kwarenta, singkuwenta," ani Alice Domingo, isang nagbebenta rin ng paso.

Gayunman marami pa rin ang tumatangkilik nito gaya ni Conching Benedictos na dayo pa mula Guiguinto, Bulacan.

"Mas mura talaga dito, atsaka ito talaga gawaan... maganda, malinis ang gawa nila," ani Benedictos.

Bukod sa pagpunta sa bayan ng Sto. Tomas, maaari ring mag-order at bumili nito online kaya laking pasasalamat ng mga gumagawa ng paso sa mga umuusbong na oportunidad.

-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.