2 bata tinangay ng rumaragasang tubig-kanal matapos bumigay ang tulay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 bata tinangay ng rumaragasang tubig-kanal matapos bumigay ang tulay

2 bata tinangay ng rumaragasang tubig-kanal matapos bumigay ang tulay

Lore Mae Andong,

ABS-CBN News

Clipboard

MAKILALA, Cotabato — Nasagip ang dalawang bata na inanod ng rumaragasang tubig sa Makilala, Cotabato province.

Napadaan ang residenteng si Leo Mart Gallardo Balicog noong Huwebes ng hapon sa Barangay Kisante kaya nakunan nya ng video ang nangyari.

Napansin niya na nagsisisigaw ang mga residente.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tumatawid sa tulay na yari sa kahoy ang ilang bata nang biglang bumigay ito dahil sa rumaragasang tubig.

ADVERTISEMENT

Doon na nahulog ang 2 batang babae.

Sa video, maririnig na hinahanap ng mga residente ang isang batang babae na muntik nang malunod at tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Nang makita ang isang bata ay tumalon sa kanal ang isang lalaking naka-asul na t-shirt na kinilalang si Cesar Pampangan para sagipin ang batang babae.

Hindi na nakunan ng video ang pagsagip ng ilang residente sa isa pang bata.

Agad dinala sa pagamutan ang mga bata na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.

Ayon kay Balicog ay sobrang lakas ng ulan sa bayan nang mangyari ang insidente.

Dumaloy ang tubig mula sa kabundukan sa New Bulatukan River sanhi ng pagragasa ng tubig sa mga kanal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.