'Trip lang': Lalaking nag-upload ng kaniyang video habang nagsha-shabu timbog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Trip lang': Lalaking nag-upload ng kaniyang video habang nagsha-shabu timbog

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2019 07:01 PM PHT

MAYNILA — Timbog ang isang lalaking nag-post sa social media ng kaniyang video habang nagshashabu, kung saan ipinagmayabang pa niya na ginagawa niya ito malapit sa police station.

Kumalat sa Facebook ang naturang video ng suspek na si July Galvan, 29, hanggang sa malaman ito ng Alvarez Police Community Precinct.

Sa tulong ng netizens, natunton ang kinaroroonan ni Galvan at matapos ang ilang linggo ay naaresto din ito.

Nang maaresto, sinabi ni Galvan na katuwaan lang ang ginawa niya.
Nang maaresto, sinabi ni Galvan na katuwaan lang ang ginawa niya.
ADVERTISEMENT
"Para po makita ng karamihan 'yung pag-post ko... Gusto ko lang po makuha ang atensiyon ng pulis. Trip ko lang," ani Galvan.

Ayon sa pulisya, malaking insulto sa kapulisan ang ginawang pagmamalaki ni Galvan.

"Pinagmamalaki niya na within the vicinity lang daw siya ng police station... Parang nakakainsulto po saming mga kapulisan," ani Police Capt. Kherwin Evangelista ng Alvarez Police Community Precinct.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT