Sanggol, sapul ng bala ng amang namamaril ng ibon, patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sanggol, sapul ng bala ng amang namamaril ng ibon, patay

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2017 11:26 PM PHT
|
Updated Aug 08, 2017 03:10 PM PHT

Patay ang isang pitong buwang gulang na sanggol matapos matalsikan ng bala ng boga o 'marble gun' na ginamit ng kanyang ama sa pamamaril ng ibon sa likod ng kanilang bahay sa bayan ng Panit-an, Capiz nitong Sabado.

Tumama umano sa puno ang bala na para dapat sa ibon, kaya tumalsik ito at aksidenteng sumapul sa ulo ni baby Buda Celoso.

Agad na isinugod sa ospital ang sanggol pero binawian din siya ng buhay.

Inireklamo naman ng pamilya ang kapabayaan umano ng ospital kaya namatay ang kanilang bunso. Anila, hindi agad nakaaksiyon ang ospital dahil wala umano silang espesiyalista sa ulo.

ADVERTISEMENT
Sinunog na rin ng pamilya ang boga na naging dahilan ng pagkamatay ni baby Buda.

Nakahanda namang mag-imbestiga ang mga awtoridad upang malaman kung may foul play o aksidente lang ang nangyari sa sanggol.

Hindi pa inire-report ng pamilya sa pulis ang pangyayari.

--Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT