Mga baril, nakumpiska sa isang resort sa Cagayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga baril, nakumpiska sa isang resort sa Cagayan

Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Aug 07, 2017 11:45 PM PHT

CAGAYAN - Nasamsam ng mga pulis ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga bala sa isang resort sa Santa Ana, Cagayan.

Pasado ala-una ng hapon noong Sabado nang pinasok ng magkasanib pwersa na tropa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group mula Camp Crame, CIDG Cagayan at Santa Ana Police ang resort sa Sitio Racat, Barangay Rapulli.

Pag-aari umano ito ni Ofelia Permientier at asawang Belgian na si Jarl Permienter na diumano ay nagtatago ng mga hindi lisensyadong baril.

“We were armed with two search warrants issued by the executive judge of Quezon City directing to us implement this for alleged violation of the Firearms law or illegal possession of firearms,” sabi ni Superintendent Richard Verceles na team leader ng PNP-CIDG Camp Crame.

Sa isang kwarto, natagpuan ang isang caliber 5.56 assault rifle at isang caliber .22 pistol, pati na mga bala. Itinago ang mga ito sa ilalim ng kama.

Sa van naman nasamsam ang isa pang baby Armalite at isa namang caliber .45 pistol.

"Part of our documentation and the application of the search warrant is the verification from the Firearms and Explosive Division. They have certified that even prior to this search that the subjects are not license firearms holder," ani Verceles.

Kasabay na ni-raid ang isa pang resort na inakalang pag-aari ng kapatid ni Ofelia. Pero bigong mahanap ang itinatago umanong baril dito.

Bago ang raid, nakakatanggap umano ang CIDG Camp Carme at Santa Ana Police ng mga sumbong tungkol sa pagpapaputok ng baril ni Jarl Permienter.

“Twice na po sila na naireport sa amin then nagresponde po kami, nakakuha po kami ng mga basyo ng caliber 45 dun sa centro. We can make comparison dun sa mga narekober naming basyo at mga kontrabando,” sabi ni police Chief Inspector Saturnino Soriano.

Sabi pa ng isang barangay kagawad, “Ang sinasabi ng mga residente, may nagpapaputok. Pero hindi naman nila masabi kung saan eksaktong lugar.”

Wala si Jarl Permienter nang ikasa ang raid kaya ang misis nito ang inaresto. Sinampahan ito ng reklamong paglabag sa Republic Act 10593 o New Firearms Law.