Lalaking lasing umano, nalunod sa lawa sa Paoay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking lasing umano, nalunod sa lawa sa Paoay

Grace Alba,
ABS-CBN News
Published Aug 08, 2017 01:39 AM PHT

PAOAY, ILOCOS NORTE – Nalunod ang isang 28 taong gulang na magsasaka sa Paoay Lake sa Barangay Nangguyudan sa Paoay, Ilocos Norte Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Christopher Lubong, residente ng Barangay 13, Batac City.

Ayon sa hepe ng Paoay Police Station, 7:30 ng umaga ng Lunes, nagtungo sa Barangay Nangguyudan ang biktima kasama ang kanyang pinsan upang dalawin ang kanilang tiyo.

Nag-inuman ng alak ang mga ito.
Nag-inuman ng alak ang mga ito.
ADVERTISEMENT
Matapos ang mahigit dalawang oras, nagpaalam si Lubong na maliligo sa Paoay Lake na malapit lamang sa bahay ng kanyang tiyo.

Nagtaka ang pinsan nito dahil magtatanghali na ay hindi pa bumabalik ang biktima.

Dahil sa paniwalang baka ito’y nalunod, agad sinisid ng kanyang pinsan ang bahagi ng lawa na kung saan siya ay maaaring naligo at dito niya nakita ang wala nang buhay na si Lubong.

Mahigit 20 talampakan ang lalim ng bahagi ng lawa kung saan nalunod ang biktima.

Wala namang nakikita ang pulisya na foul play sa insidente.

Maaari raw na dahil sa sobrang kalasingan ng biktima ay hindi niya nakayanang lumangoy.