2 Chinese huli sa pagmamaneho nang lasing, panunuhol sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 Chinese huli sa pagmamaneho nang lasing, panunuhol sa Maynila

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Aug 06, 2019 07:31 AM PHT
|
Updated Aug 06, 2019 07:35 AM PHT

Inaresto ang 2 Chinese nationals dahil sa pagmamaneho nang lasing at tangkang panunuhol sa mga pulis sa Maynila.

Napansin ng mga pulis na gumegewang ang kotse ng 2 dayuhan sa Legarda Street. Habang umaandar, paulit-ulit na binubuksan at isinasara ng mga sakay nito ang pinto para sumuka sa kalsada.

Hinabol ng mga awtoridad ang kotse pero hindi ito huminto hanggang sa ma-cut ito ng mga pulis sa bandang Pureza Street.

Hiningan ng mga pulis ng lisensya ang babaeng driver at pasaherong lalaki, pero P4,500 na cash ang iniabot nila sa mga awtoridad.

ADVERTISEMENT
Dito na hinuli ang 2 at dinala sa Sampaloc police station.

Hindi agad na nakausap ang mga Chinese dahil walang interpreter, pero may dumalaw sa kanila na kaibigan.

Posible silang maharap sa mga kasong reckless driving, driving under the influence, driving without license at bribery.