Air Force reservist, timbog sa 'pangingikil' sa dating karelasyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Air Force reservist, timbog sa 'pangingikil' sa dating karelasyon

Air Force reservist, timbog sa 'pangingikil' sa dating karelasyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 15, 2019 02:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naaresto noong Linggo sa Meycauayan, Bulacan ang isang reservist ng Philippine Air Force matapos umanong kikilan ang nakarelasyong babae kapalit ng pagbura ng kanilang maseselang video at retrato.

Lumapit sa Meycauayan police si alyas "Vivian" dahil sa pananakot umano ng dating kalaguyong si alyas "Rudy," isang technical sergeant reservist sa Air Force, na ilalabas ang maseselan nilang video.

Kapwa may mga asawa sina "Vivian" at "Rudy" pero nabisto ng mister ni "Vivian" ang relasyon.

Ikinagalit umano ni "Rudy" ang pakikipaghiwalay sa kaniya ni "Vivian" at nagbantang ikakalat niya ang mga maseselan nilang larawan.

ADVERTISEMENT

"Sabi sa kaniya ng lalaki na hihingi siya ng pera na P5,000 at makikipagkita siya sa isang lugar, isang fast food. Tapos aayain pa siyang makipagtalik at buburahin na niya 'yong mga scandal nila," ani Meycauayan police chief Superintendent Santos Mera.

Matapos mahuli sa entrapment operation, inamin ni "Rudy" na may maseselan silang mga retrato ng dating karelasyon pero itinangging hiningan niya ito ng pera.

"'Yong mga nakahubad, 'yon nga 'yong may permission niya," sabi ng suspek.

Paliwanag ni "Rudy," gusto lang niya mabayaran ang cellphone na binigay niya kay "Vivian" na hindi pa bayad.

"Malaki iyong ano eh, P9,000, macha-charge sa pangalan ko," ani Rudy.

Patong-patong na kasong extortion at sexual harassment ang isasampa laban kay "Rudy."

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.