Environment group ipinanawagan ang paggamit ng reusable face mask | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Environment group ipinanawagan ang paggamit ng reusable face mask

Environment group ipinanawagan ang paggamit ng reusable face mask

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nanawagan ang grupong Ecowaste Coalition sa publiko na sa halip na mga single-use face mask ay gumamit ang mga ito ng reusable cloth face mask.

Ang panawagan ay ginawa ng grupo matapos silang maalarma nang may natagpuang gamit nang surgical face masks sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, sa baybayin ng Baseco Port Area at sa Barangay Muzon sa Rosario, Cavite.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste Coalition, batid naman nilang bahagi ng protocol ang pagsusuot ng face mask pero nakakadismaya daw na pagkatapos gamitin ay hindi ito itinatapon sa basurahan at nagkalat lang sa mga kalsada at baybayin ng dagat.

Maituturing aniya na infectious material ang mga gamit nang surgical face mask na may banta sa kalusugan pati na sa kalikasan.

ADVERTISEMENT

Dapat daw ay maglaan ng hiwalay na basurahan para sa mga face mask at iba pang medical waste.

Giit pa ni Lucero na ang surgical face mask ay hindi nabubulok at hindi rin nare-recycle kaya mas maigi na gumamit na lang ng cloth face mask.

Umaapela ang grupo sa mga ahensya gobyerno lalo na sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ordinansa na tututok sa tamang pagtapon ng face mask at iba pang medical waste. —Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.