Tricycle, papayagang bumiyahe sa ilalim ng MECQ sa ilang kondisyon: MMDA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tricycle, papayagang bumiyahe sa ilalim ng MECQ sa ilang kondisyon: MMDA

ABS-CBN News
Published Aug 04, 2020 12:30 PM PHT

MAYNILA - Papayagan na ang mga tricycle na bumiyahe sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kung ito ay para maghatid ng medical frontliners, para sa emergency, at sa mga taong kailangang bumili ng essentials.

“Sa pagpupulong namin pinayagan na. During MECQ dati walang tricycle. Ngayon, pinayagan po ‘yan basta pagsakay ng medical frontliners, emergency at yung bibili ng essentials,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo Martes ng umaga, sinabi ni Garcia na kailangan lamang na isa lang ang sakay sa bawat tricycle.

“Pinayagan po ito para merong continuity ang ating libreng sakay dahil ang buses sa major thoroughfares lang ‘yan. So pagbaba, yung mga medical frontliners wala nang masakyan papasok ng maliliit na kalsada kaya pinayagan ang mga tricycle,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT
Maging ang pag-angkas sa motorsiklo ay papayagan na rin basta medical frontliner o essential worker ang angkas nito.

"Sa motorsiklo naman po basta may shield, basta medical frontliner pinapayagan na rin pong magka-angkas,” sabi niya.

Dagdag din ni Joint Task Force Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na bukod sa barrier, dapat din na privately-owned ang motorsiklo at hindi for hire ang driver nito.

"Pinapayagan na po ang backriding sa MECQ provided na yung angkas o backride ay essential worker or APOR at yung travel niya is work-related regardless na yung nagda-drive sa kaniya is kamag-anak niya whether yun ay APOR o non-APOR," sabi ni Eleazar.

Batid ng MMDA na magkakaroon ng mga pasaherong mai-stranded dahil sa limitadong biyahe ng mga libreng sakay sa ilalim ng muling pagpapatupad ng MECQ sa kalakhang Maynila at karatig na mga lalawigan.

“Sigurado tayong madami ang ma-stranded. Ang maganda lang ngayon napagdaanan na natin itong MECQ alam na natin yan,” sabi ni Garcia.

Nitong Linggo, inilgay muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan dahil sa pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19). Tatagal ang MECQ mula Agosto 4 hanggang 18.

Ayon kay Garcia, may nakahanda nang mga bus ang MMDA at Department of Transportation, at mga trucks naman mula sa army at coastguard na magbibigay ng libreng sakay sa mga medical frontliner at Authorized Persons Outside of Residence (APOR).

Sa Facebook page ng DoTr, binanggit doon na magkakaroon ng dalawang shift ang libreng sakay para sa health workers at medical frontliners sa mga bus mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 gabi at 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga sa loob ng 20 ruta sa Greater Metro Manila Area.

Read More:
Libreng Sakay
Jojo Garcia
Metro Manila lockdown updates
MECQ
Modified Enhance Community Quarantine
Philippines COVID-19 updates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT