TINGNAN: Baha sa Metro Manila dulot ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Baha sa Metro Manila dulot ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan

TINGNAN: Baha sa Metro Manila dulot ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 04, 2018 06:05 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) Nagdulot ng pagbaha ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Maynila Sabado ng hapon.

Tumila rin ang ulan pagkalipas ng ilang mga minuto.

Sa Maynila, hirap makadaan ang ilang mga maliliit na sasakyan sa Maceda Street, España Boulevard. Ayon kay Bayan Patroller Rico David, marami nang tumirik na sasakyan sa lugar dahil sa baha.

Baha sa kahabaan ng España Boulevard, Maynila. Kuha ni Bayan Patroller Rico David

Malakas na buhos ng ulan naman ang nakuhanan ni Bayan Patroller Sunny Baes sa Chino Roces Ave. kanto ng Bagtikan St. sa Makati, bandang alas-4 ng hapon.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Malakas na buhos ng ulan sa Makati. Kuha ni Bayan Patroller Sunny Baes

Ibinahagi rin ni Bayan Patroller Lucky Laotingco ang video ng pag-ulan sa JP Rizal Ave, Brgy. Olympia, Makati, mag-aalas 4 ng hapon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Bayan Patroller Lucky Laotingco

Sa Quezon City, hanggang tuhod ang baha sa bahagi ng Araneta at Biak na Bato sa Quezon Avenue kaya hindi ito passable sa maliliit nasasakyan ayon sa MMDA. --May ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.