Pambabastos sa kababaihan, mga LGBT, may parusa sa ilalim ng panukala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pambabastos sa kababaihan, mga LGBT, may parusa sa ilalim ng panukala

ABS-CBN News
Published Aug 04, 2018 05:11 PM PHT
|
Updated Aug 15, 2019 02:27 PM PHT

Matagal nang problema para sa marami ang catcalling o isang anyo ng pambabastos na madalas nangyayari sa mga kalsada.

Sa katunayan, marami nang nag-viral kung saan aktong nahuhuli ang mga pambabastos.

Ito ang nais solusyunan ng isang panukala sa Senado na layong parusahan ang pambabastos o catcalling sa kalye.

Ayon sa isang abogado, bagaman babae ang karaniwang biktima ng pambabastos ay hindi lamang sila ang sakop ng panukalang ito.

Sa Senate Bill 1326 o "Safe Streets and Public Spaces Act" na inihain ni Senador Risa Hontiveros noong 2017, nakasaad na bawal ang lahat ng uri ng pambabastos sa kalye kagaya ng:

• Paninipol
• Leering o malaswang pagtitig
• Homophobic at transphobic na pag-iinsulto
• Catcalling
• Paulit-ulit na panghihingi ng pangalan at cellphone number
• Sexual jokes
• Malalaswang galaw
• Paglalabas at paghawak ng pribadong bahagi ng katawan
• Panghihipo
• Stalking

"Wala akong nakita na pambabae lang ito. Catcalling, pinipituhan, binabastos dahil sa sexual preference mo. So pag ikaw binastos sa kalsada, dito papasok 'yung kaso," ani Atty. Claire Castro sa "Usapang De Campanilla" ng DZMM noong Biyernes.

May mga panukalang nakabinbin sa kongreso tulad ng Anti-Discrimination Bill, at ng pagkakaroon ng Anti-Sexual Harassment Act of 1995, pero mas nakatutok ang Senate Bill 1326 sa mga pambabastos sa kalye.

Protektado rin sa panukala ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT) community na madalas nakararanas ng pambabastos sa kalye.

"May mga tao minsan babastusin [ang mga LGBT] sa kalye. They will call names, so bawal na siya dito sa panukalang ito," ani Castro.

May multang P1,000 hanggang P10,000 ang mapatutunayang lalabag dito depende sa bigat ng krimen, at maaari ring makulong nang hanggang anim na buwan.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
ordinance
kasarian
kalaswaan
kahalayan
catcalling
anti-catcalling
women
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT