MMDA enforcers, magsusuot na ng beret | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA enforcers, magsusuot na ng beret

MMDA enforcers, magsusuot na ng beret

ABS-CBN News

Clipboard

Wala na ang bull cap at nakasuot na ng black beret ang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabago ang kanilang imahe.

Ayon sa MMDA, matagal nang plano ang pagpapalit sa uniporme ng mga enforcer partikular na ang head gear.

Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong uniporme ng MMDA na kagalang-galang ang mga ito at dapat sundin.

“Speaks of authority. Nakikita nila na ‘uy kagalang-galang ito’. So from there, nakikita mo pa lang ang enforcer na nakatayo diyan, siyempre kailangan, sumunod tayo,” ani Taguinod

Ayon naman sa mga enforcers, nararamdaman nila na matikas at tigasin na ang dating nila ngayon habang ginagabayan ang mga motorista sa tamang babaan at sakayan, lalo na sa EDSA.

ADVERTISEMENT

Ngunit napansin naman na tila kinopya ang beret ng Scout Rangers, Marines, at Special Action Forces.

Dating Scout Ranger ang kasalukuyang hepe ng MMDA na si Danny Lim at ito ang naging inspirasyon sa pagbabago ng sombrero.

Depensa pa ni Taguinod, iba naman ang patches sa beret ng MMDA bagaman may pagkakatulad ang kulay.

Para naman sa ilang motorista, hindi ang imahe ang dapat unahin ng MMDA kundi ang paraan ng pagsasaayos ng trapiko.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.