Bombang mula pa umano noong World War II, narekober sa Cagayan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bombang mula pa umano noong World War II, narekober sa Cagayan

Bombang mula pa umano noong World War II, narekober sa Cagayan

ABS-CBN News

Clipboard

Narekober ng mga awtoridad ang bombang ito sa isang abandonadong bahay sa Gattaran, Cagayan. Pinaniniwalaang ginawa ang bombang ito noong World War II. Courtesy: PNP Gattaran
Narekober ng mga awtoridad ang bombang ito sa isang abandonadong bahay sa Gattaran, Cagayan. Pinaniniwalaang ginawa ang bombang ito noong World War II. Courtesy: PNP Gattaran

MANILA — Nakuha ng mga awtoridad sa bayan ng Gattaran, Cagayan ang apat na pampasabog at isang bomba na pinaniniwalaang nagmula pa noong World War II.

Ayon kay Police Master Sergeant Edgar Mandac, nakita ng isang residente ang bomba sa isang abandonadong bahay sa Zone 2, Barangay Takiki sa nasabing bayan, Martes ng umaga.

“Itong residente ay nagpapastol ng baka niya nang makita niya iyong vintage bomb… Parang ruin na bahay, basta matagal nang abandonado,” ani Mandac.

Sa bakanteng lote naman sa Barangay Centro Sur natagpuan ang apat na pampasabog. Kinakalawang na ang mga ito.

ADVERTISEMENT

 Courtesy: PNP Gattaran
Courtesy: PNP Gattaran

Nagtulong-tulong ang Gattaran Police, Canine Unit at 2nd Maneuver Platoon ng Provincial Mobile Force Company ng Cagayan Police sa pagrekober.

Nagpasalamat ang awtoridad sa mga residente dahil sa maagap na pagbibigay ng impormasyon upang maiwasan ang posibleng pinsalang dala ng mga pampasabog at lumang bomba.

Nasa kustodiya na ngayon ng Provincial Explosive Ordnance ng Cagayan ang mga ito.

— Ulat ni Harris Julio

RELATED NEWS

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.