Digitalization ng OFW documents, ikakasa ng DMW | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Digitalization ng OFW documents, ikakasa ng DMW

Jerome Fadriquela | TFC News
Published Aug 03, 2022 03:54 PM PHT

MANILA – Mas mabilis na processing time para OFW documents sa pamamagitan ng digitalization ang ikakasa ng bagong tatag na Department of Migrant Workers.

Layon ng bagong kagawaran na maisakatuparan ang digitalization sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, ito ay bilang pagtalima sa utos ni President Ferdinand Marcos Jr. na mapabilis ang proseso ng hiring at deployment ng OFWs, kasama na rito ang mga programa ng gobyerno para sa OFWs at kanilang pamilya.

Sabi ni Ople, umaabot daw kasi ng tatlong buwan para ang isang foreign employer na ma-accredit ng embahada at Philippine labor authorities.

ADVERTISEMENT
Hindi pa rito kasama ang hiring process. Marami raw kasing redundancy o pagkadoble-doble ng proseso ng accreditation, hiring at deployment.

“By doing away with all those redundant procedures and unnecessary requirements, even the number of signatures, we are confident that we can cut that timeline from a minimum of three months to perhaps less than a month or three weeks,” sabi ni Ople.

Alam din daw ng DMW ang tambak na reklamo ng mga nagbabakasyong OFWs dahil sa nauubos nilang oras sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC). Ang OEC, ay nagsiislbing exit clearance, ito ang nagpapatunay na dumaan sa tamang proseso ang isang OFW bago siya umalis ng bansa.

Ang OEC din ang katibayan ng rehistrado ang isang OFW sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“The DICT and the DMW will be working closely together so that the OEC will now be paperless. It can be stored on the worker’s phone, and there will be a corresponding digital solution at the immigration so that every international airport that we have in the country is now seamless,” dagdag ni Ople.

Ayon pa kay Ople, tutukan ng kanyang kagawaran ang kampanya ng gobyerno kontra illegal recruitment at human trafficking.

Magtatayo rin ng bagong programa na nakalaan para sa OFW children na naiwan sa Pilipinas.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT