PatrolPH

7 bahay sa Isla Puting Bato sa Tondo, tinangay ng alon

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2019 04:39 PM

7 bahay sa Isla Puting Bato sa Tondo, tinangay ng alon 1
Larawan mula sa Manila Public Information Office

MAYNILA - Pitong bahay ang tinangay ng alon sa Isla Puting Bato sa Barangay 20 sa Tondo sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, Sabado ng hapon.

Ayon sa Manila Public Information Office, tinatayang nasa 22 pamilya ang naapektuhan, batay sa impormasyon mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Inililikas na sila sa Delpan Evacuation Center.

Magpapamahagi na rin ng relief goods ang pamahalaang lokal sa mga apektadong pamilya.

Tuloy-tuloy ang pag-ulan sa Metro Manila nitong Sabado bunsod ng habagat. Nagdulot ito ng pagbaha sa ilang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.